Am with you girl! .
I like the story of Meteor Garden. Cute, refreshing, okay sa kilig factor, talaga namang papa material ang kalalakihan (F4 fafas) at ibang-iba sa mga soap opera natin na puro patayan, sobrang sasamang kontrabida at nakakapraning/pare-parehong twist ng istorya.
Napanood ko sa Channel 2 na hinihikayat nila ang F4 guys na pumunta at gumawa ng concert dito sa Pinas. Hello?! As if naman lahat tayo dito e nakakaintindi tayo ng fookien o mandarin? Given na dalawa sa kanila ang marunong mag-Ingles, ano ipe-perform nila boyband songs?! Really.
Mukha yatang nagtagumpay si Puma Leiar (tama ba spelling?) sa pagsakop sa Pinas. Nyahaha. Ano ng nangyari ke Shaider at ke Annie? Kung sabagay Japanese naman yun di bah? At bakit ba nasali ang Shaider dito? Hindi ninyo ba napapansin? Nagtagumpay na naman ng walang kahirap-hirap ang dayuhan. Puro na lang pagda-dub ang ginagawa nating mga Pinoy? Hanggang dito na lang ba talaga ang kaya natin?
So after ng madradramang Spanish telenovela, dinagdagan ng makukulay na Japanese Anime, eto’t unti-unti na naman tayong nahuhulog sa bihag ng mga Taiwanese boybands. What’s next?
P.S. Correction sa mga kababaihang nagrereact na sa pagbabasa nito. Eto ho eh komento lang. Am not against your precious F4 guys. Alam ko cute talaga sila! Kaya’t hala sige sabay-sabay nating itaas ang ating mga kamay… Shingshigishigi-makashigi-hoohhaahh!!!
June 04, 2003
… time space warp, ngayon din! …
0 Comments:
Post a Comment
<< Home