May 08, 2003

Di ako nakapasok kahapon. Wala na kasi akong magawa. Mahirap yatang magkunwari na me ginagawa ka noh. Been doing that these past few days. Kunwari eh nakakunot pa ang noo sa pagtitig sa mga instrument tags pero wag ka tulog na ko nun. Na-praktis ko na kasi yung pagtulog ng nakaupo at dilat nung nago-ojt pa kami dito hehe.

Pagsakay ko sa FX (kanya-kanyang carpool na kami ngayon simula nung tinanggal ng bagong GM namin yung shuttle) sinalubong ako ng mga makukulit na pipers ng kantyaw. Dalawang araw na raw silang naghihintay sa kin dun (sinusundo nila ako sa may Magallanes). Lol. Di rin kasi nila alam cell number ko. Eh nakapagtext ako ke Mang Maeng (ung me-ari ng FX) 7:30 na.

So eto na ko ngayon. Checking e-mails. Masakit dito bumulaga sa king ang mga e-mail ni Sir Mark (Lead ko sa Vendor Datasheets), sangkatutak naman ngayon ang dumating na trabaho. Sigh. Talaga naman. Parang nakakaloka talaga tong mga taga-Houston. Kaya nag-blog na ko para di mahati mamaya ang attensyon ko.

***

Meron nga pala kong nadiskubre na bagong salitang bakla. CHENELIN – di ko lang sure kung yung nga yung spelling. Regarding its definition wala rin akong idea. Wala lang. Parang ang kewl lang sabihin hehe.

***

Kagabi I was hanging out sa parlor namin. Sobrang init kasi sa taas at lahat sila meron ng kanya-kanyang position sa banig na nakalatag sa sala. Wala na kong mapuwestuhan. Habang nakaupo ako at tahimik na nagbabasa ng pahayagan (naks!) merong nagsabi na pabili daw ng yelo. Tinanong ko kung ilan. Dalawa daw. Dali-dali akong pumunta sa kusina para kumuha ng dalawang yelo. Napansin ko si Pops (kapapasok lang) eh nagwawala na dun sa parlor. Ganyan lang yan pag-nakakita ng ombre o papa o di naman kaya eh na-exorcist lang. Pagbalik ko dala yung yelo sumilip na ko dun sa labas at ayun nga – ang dahilan ng pagpapacute ni Pops – papa nga yung bumibili ng yelo. Matangkad siya, malinis, malaki ang katawan tapos cute talaga. Bigla akong na-conscious sa gulagulanit kong T-shirt at me butas na shorts. Pag-alis nung lalaki tinanong ko si Pops kung kilala niya yun, sabi sa kin nung bakla nakatira daw sa bagong apartment sa may kanto. He’s taking up Medicine daw. Wow. Ang tagal ko na yatang talagang nakakulong sa loob ng bahay namin. Akala ko eh yung mga lalaking kasing edad ko sa street namin eh kung hindi tambay, may-asawa na o kaya naman e pusher.

***

Napanood ko na rin yung pinag-uusapan palagi ng dalawa kong kapatid at pinsan yung Meteor Garden. It starts at 4 pm kaya no way na mapanood ko siya since I come home at around 5 pm. Parang walang sense yung mga characters ng F4 (tama ba ko dun), yung red card thing with the words “You’ll be dead” (huh?!).
A bunch of chekwa/conyotic/na ala-boyband/ob-ob clique na walang magawa sa buhay. Yung girl dun is Yuki Nakama, from the Ring. Natawa lang ako dun sa scene kung san Yuki’s family were having their dinner. “Haay. Pano ba to. Yung tatay ni --- (forgot his name) CEO nagbebenta ng --- samantalang yung tatay ko nagbebenta ng dugo”, she muttered while watching her parents share a piece of fish she refused to eat. Lol.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home