November 03, 2004

Kasalakuyang naprapraning sa kantang Over and Over ni Nelly.

===

Kanina pagkatapos mananghalian bumaba kami ni che sa ikalawang palapag upang gampanan ang aming buwanang pagko-choir sa first wednesday mass ng aming kumpanya. Sa kadahilanang di ako nakapapunta sa aming mga praktis ay nilip-sync ko na lang ang mga bagong kantang isiningit sa misa.

===

Ngayon ko lang napagtanto na nagsayang na naman ako ng enerhiya kakaisip at kakamukmok sa walang kakwenta kwentang bagay. Naisip ko ng iuntong ang ulo ko sa matigas na bagay kaso napagisip kong lalo lamang lalala ang sitwasyon. Palagi na lang akong ganito. Kunway desidido na sa gagawin pero wag ka isang tawag lang eh poof! lahat ng resolusyon eh ayun... Ngayon ay masasabi kong "c'est la vie" muna ang tema ng mga araw ko pero alam kong darating din na haharapin na naman ako ng mga demonyong babagabag sa aking isipan.

Kailangan ko ng tapusin ang kahibangang ito.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home